blog is my best friend ☺
<

(07-17-09)

ginabi ako kakalaro ng wonderland -.-

di ako nakapagreview. haha. patay ako para sa quiz namin sa filipino.

TIME MANAGEMENT

3:30am- mag aalarm ako ng cp.

3:35am- iaalarm ko ulit kasi tinamad ako bumangon

3:40am- magaalarm ulit ako

3:45am-4:15am- magaalarm ulit

4:15am-4:30- alam nyo na :))

4:30am- bubungangaan na ko ng mama ko

—————————————-

pagkadating namin sa school. kami lang ng pinsan ko sa may table, at isa isa ng dadating mga kaklase namin, at mapupuno ng ang table. nakasakop kami ng dalawang table(pero ung kalahati lang, dalawang kalahati) kakahapit ng homework namin sa filipino. ay grabe. natutulala ako wala pa kong nasusulat . haha.

 

biglang nagkagulo sa study area. grabe, first time ko nakita ung ganun. nagtayuan ung mga studyante malapit sa entrance, habang humihiyaw. nung una akala ko may natapilok. tapos pinagtawanan lang. di pala, kasi, inannounce na suspended ang klase. haha yahuuu!

ung mga kaklase ko, nagplano na agad kung saan, hahaha. etc.. *some text missing*

 

ang hirap maghanap ng jeep papuntang angono. ang ginawa namin, sumakay kami ng cogeo para bababa kami sa sta.lucia

kasama ko sila. basta sila. wala akong payong, ako ang uuwi kasi sila manunuod pa ng Harry Potter, eh pinapauwi na ko, kya uuna na ko.  sobrang lakas ng ulan, di ako pwdng magtatakbo papuntang terminal para sumakay, kasi mababasa tlga ko. sabi ko sa kaklase kong babae:

 

tukx, hatid mo ko”

“*type name here*, ihatid mo nga si charmaigne sa sakayan”

wow. haha. abnormal tlga to. xa pa inutusang maghatid skn x)

haha. pinayungan nya ko. at ilang hakbang palang ang nalalakad namin

 

bigla akong natapilok! waa. tinawanan ako ng mga kasama ko. pero, ehem. nasalo ako x) hahaha. sinalo ako ni *type name here* habang nagtatawanan kami. at habang naglalakad papuntang sakayan, inalalayan nya ko hahaha! ang sweeeeet! napakagentleman woohooo. ♥_♥

nakasakay na ko’t lahat, nakangiti padin ako. haha. sobrang saya ng moment ko nun, filing ko, may mga bulaklak na nakapalibot smin, at may slow-mo effect pa. ahaha

 

pag kauwi ko ng bahay, nangingiti padin ako. at napansin ung ng mama ko. at napangiti na naman ako. bigla namang nagreact si mama

“aba kmhe, inlove k nman ata maxado. magaral ka muna….blahblahblah…”

etc.

ang OA naman neto, ngumiti lang kung anu na sinabi mo. hahaha”

 

hahaha. ang saya tlga :)
masaya ba tlga?

July 17th, 2009 at 10:14 pm