blog is my best friend ☺
<

sa mga mahilig sa anime, malamang alam niyo na matagal na itong tinatanong sa anime world… malamang sila ang sasagot sa tanong ko:

TOTOO BA SI ENMA AI? TOTOO BA YUNG WEBSITE NIYA? O TALAGANG CREATIVE LANG ANG NAKAISIP NG ISTORYA NUN PATI YUNG WEBSITE NIYA?

sa mga hindi pamilyar sa sinasabi ko, mayroon kasing isang anime na ang title: JIGOKU SHOUJO (HELL GIRL).

yung HELL GIRL, siya yung maghihiganti for you through a website. once na makapunta ka sa site na yun, hihingiin niya yung name ng taong gusto mo ipadala sa hell. then, after mo ma-send yung name nung tao, maga-appear si HELL GIRL sa iyo at bibigyan ka ng straw doll. mayroon siyang red string na nakatali doon. sa oras na hilain mo yun, ibig sabihin gusto mo ituloy ang paghihiganti mo.

pero may isang kondisyon yun. sa oras na pumayag ka na ipadala sa hell yung tao na yun, ibig sabihin pumapayag ka rin na sa oras na mamatay ka, AUTOMATIC sa hell na rin ang tuloy mo.

sabi nga ng HELL GIRL: WHEN ONE SOUL IS CURSED TWO GRAVES ARE DUG.

nag-google ako ng website na katulad na katulad ng nakikita ko sa palabas na iyon. sabi nila, kailangan para maging effective, exactly 12:00 AM ka dapat magpunta sa website na yun.

gusto ko subukan kahit late na pero natatakot ako. pero kahit takot ako, go pa rin. hindi ko lang din talaga alam yung pangalan nung snatcher na yun. in-enter ko na. nilagay ko: kUNG SINO MAN YUNG SNATCHER NG WALLET KO. pero ayun, sabi I will deliver your vengeance. tapos nakarinig ako ng mga kaluskos na ewan ko at hindi na ako makatulog. parang nababaliw ako kasi naman nakakatakot e. hinanap ko sa drawer ko kung may straw doll. sa kabutihang palad wala naman. pero kung meron, itatago ko na lang yun.

pero naisip ko rin, paano nga kaya kung totoo? na yung taong nagpapahirap sa iyo ng todo at gusto mo gumanti mapupunta nga sa impyerno pero ang kapalit dun ka rin didiretso pag namatay ka?

FREAKY.

***ang sama ko. naisip ko lang bigla.

—————————————————————

“akala ko yun yung site ng peteranswers.com
malakas ang loob kong ipost yung site kasi filing ko d naman totoo.

but my friend tried it, tlgang sinabi nya yung mga sagot. buong klase ang nakakita, isama mo na yung guro nila that time.

magtatanong ka ng qng ano ano pero may sasabihin kang petition. “Peter, please answer”

ayun, tas magtanong kana ng kahit na tagalog, tapos, mababanas ka lang sa mga walang kwenta nyang sagot.

ang sabi sakin ng nagtry,
“di ka sasagutin nyan, mabait ka eh”

ayun, sa kasamaang palad, ang dami daming beses ko ng sinubukang magtanong ng qng anu-ano , di ko padin nasagot yung tanong kong “where are you”

but one thing i noticed

habang nagfofocus ako (kasi ang sabi kaylangan ko ng FOCUS)parang lumiliit utak ko. basta may something akong nararamdaman sa ulo ko.

nung tinamad na ko kakatype , tinigil ko na. pero nahilo ako. disappointed din at the same time.”

———————————————————–

post ng isa ko pang idol sa pagboblog. wala, naisip ko lang syang ipost. for some comment, totoo ba yun?

April 6th, 2009 at 7:05 am


6 Responses to “TOTOO KA BA? petre?”
  1. 1
      sarimau says:

    yung hell girl, di qu pu alam , dahil di ko pa napupuntahan iyon eh..i better check it out..

    ung peteranswers..isang malakas na tawa..HAHAHAHA! di totoo yun..i know how to use it..it’s just for pranks..haha..napagtripan ba kau..hehe..turo ku sau, pag nagreply ka sa comment na to..^_^

    hehe..revenge is not the answer, it’s forgiveness..lalo naman ang death, walang maitutulong un..^_^

  2. 2
      kheymee says:

    eh bat ganun yung nakwento sakin >.

  3. 3
      sarimau says:

    hmm..wag ka masyado magpapaniwala..siguro, minsan, dapat

    ang motto ay “to see is to believe..” ^_^

    try mu ulit gamitin..ang totoo, sa petition nilalagay ung answer sa question..

    for further details:

    http://chriswondra.com/2007/02/21/peter-answers-the-secret/

    medyo nasa bandang gitna ata..dami kasi paliguy-ligoyng foreigner na to..

    cge po..^_^

    try mu sa iba, para makaganti? hehe..^_^

  4. 4
      kheymee says:

    nagnose bleed ako pero ok na yun, hahaha

    yun yung sinabi ng tga ibang bansa kong kalaro sa wonderland eh. ginawa ko pero “eter please answer” lang nkkta ko kya di ko mxadong naintindihan. di kasi kinlear eh. haha. (nanisi)

    ou tama clear na sakin yung prank na yun. ed naloko din pala sila carl x)

    nagpadamay naman ako =.=

  5. 5
      Carlo says:

    Definitely not. Why? Kasi napaka-creative sa plot ang mga writer ng anime. Isipin mo: Halos lahat ng anime ay may bahid ng Shintoism at may “unique” na Gods and Goddesses pa sila para sa specific anime na yun. Ngayon kung sa dami ng anime na yan, ilan na kaya ang mga Gods at Goddesses ng paniniwalang Shinto? Hundreds? 700? Marami.

    Kung may website ka man na nakita na para kay Enma Ai ay huwag kang maniwala, may taong gumawa nun siyempre.

  6. 6
      kheymee says:

    nice carlo. hehehe x)

    thanks. forward ko din yan sa nagpost ng tungkol kay enma ai ..

    salamat, harhar.