blog is my best friend ☺
<

BEWARE x.X

isang araw, sumakay ako sa jeep. kasama ko yung kaklase ko.

pauwi na kmi galing sa eskwelahan.

pagkasakay ng jeep, tingin agad ako sa bintana, xempre para may effect ung buhok ko.

ilang layo palang ang nalalakbay ng jeep.

may mamang nakisingit sa pwesto ko, grrr.

jahe kasi para sa mga nakakakilala tlga sakin.

pag ako sumakay ng jeep, gusto ko ako ang nasa pinakadulo

yung malapit sa entrance, baket?

pra pag bababa na ko, di na ko yuyuko.

eeh, sa kasamaang palad, may nakapwesto na sa trono ko, ed dun nalang ako sa pangalawa, knowing the fact na ang luwag luwag ng jeep , hindi ako nagsumiksik sa babaeng inagaw ang trono ko kasi hindi ko man lang naisip na may sisingit dun.

edi ayun na, singit xa, lintek, badtrip ako.

MANUNG: bayad ko oh eto oh

(inabot ko)

IGNE: problema nun, ang luwag luwag ng jeep eh, pwd naman sa kabila, hmp!

KASABAY NI IGNE: hehe hoo nga.

shhhhhhhhhhhhhhhhh… (windblows)

habang sinasalo ko lahat ng mga usok galing sa ibat ibang tambucho.

MANUNG: ma! (garalgal ang boses) ung bente sa tauman lang yan. sa tauman lang ho ung bente.

(tugsh! c ako biglang kinilibatutan, kinabahan, pinagpawisan..)

..

..

kinapa ko fone ko sa bulsa ko.

SHET!

nanginignig ako

filing ko konting hipo lang sakin mananapak na ko.

habang kinakapa ko yung bulsa ko,

si manong, biglang ngng magalaw.

tinanggal ko lahat ng laman, abbaaaaaa.

wala padin!

tugsh! tiningnan ko ng masama si manong singitero

chinek ang bag..

tinanggal ang mga laman..

LINTEK!

MANONG: (nanginginig) nakita ko kanina me nahulug na celfone jan

IGNE: ed sana sinabi nyo sakin!

MANONG: nakita ko nga nahulog jan kanina tingnan mo nalang. dito nahulog

(sinuot sa ilalim ang ulo)

MANONG: dito tingnan mo dito nahulog kasi kanina tingnan mo nalang jan

(pahelpful effect si kuya. gr)

IGNE: (napansing malalim ang bulsa) eh pano mahuhulog eh ang lalim ng bulsa ko?

MANONG: di ko alam tingnan mo nalang jan.

DRIVER: eto sukli oh pakiabot nalang

abot

abot

abot

pagkaabot ni MANUNG ng sukli nya, shet, parang sasabog na tlga ko sa banas!

x.x

IGNE: MANONG! (hinawakan ang damit ni manong) teka lang! pa pagpagpag ng damit!

MANONG: (tinanggal ang polo at pinagpag) oh! ayan, wala naman!

dumampot ng kung anung bagay mula sa ilalim ng upuan ng jeep.

AYUN! yung celfone ko!

MANONG: oh! ayan! napagbintangan pa ko!

(sabay baba)

IGNE: (namula, nakuncnxa)

[flashback]

si manong bigla nga palang sumuot ung ulo sa ilalim.

tsk tsk tsk! alaaam

(pagkasuot pala ng ulo ni manong, sabay lagay na ng fone ko sa ilalim)

mautak X.x

the end

__________________________________

lesson?

wag ng maglalagay ng mahahalagang bagay sa bulsa.

maglagay na kayo ng tissue, napkin, bolpen, eraser, sapatos etc.

pero as much as possible, wag kayong maglagay ng celfone, pera, beeper, fax machine etc.

(ha! ha! ha! -_- patawa)

pero, ewan. basta, be carefull nalang

kung maglalakbay kayo mula sa malayo,

siguru ang mapapayo ko

idistribute nyo yung pera nyo.

maglagay kayo sa bag nyo, sa katawan nyo, at kung pwd pati sa sapatos nyo.

TANDAAN:

“time is gold”

(muka mo igne)

haha yun lang, la ng sense sinasabi ko . ^___^

kwentong experience ♥

April 2nd, 2009 at 8:04 am


3 Responses to “MANUNG SiNGETERU! =.=”
  1. 1
      sarimau says:

    nice one..^_^

    buti na lang po ay di pa ko nakakaexperience ng ganyan, kundi, ipapareklamo ko pa iyon sa nanay ko sa municpyo..haha..

    buti n lang at nabalik ang isang mahalagnag bagay..

    isa pang lesson?

    hmm..huwag papahuli sa trono mo..pag nasa huli ka kasi, ung bulsa mo, katabi lang ng dulo ng dyip, hindi tao ang katabi, edi walang mangyayaring kung ano..^_^

    hehe..

    nice, buti, ambilis magupdate, tnx ha..nalilibang ako..^_^

    keep writing..^_^

  2. 2
      kheymee says:

    hehehe ^______^

    sabi na nga ba dapat nilagay ko yung isa pang lesson na yun eh (weh)

    hehe :)

  3. 3
      sarimau says:

    ah, ganun ba? khei lang iyan..

    feel free to own it..^_^

    and its my honor na ako na po ang naginitiate ng inyong mga iniisip..^_^