(07-17-09)
ginabi ako kakalaro ng wonderland -.-
di ako nakapagreview. haha. patay ako para sa quiz namin sa filipino.
TIME MANAGEMENT
3:30am- mag aalarm ako ng cp.
3:35am- iaalarm ko ulit kasi tinamad ako bumangon
3:40am- magaalarm ulit ako
3:45am-4:15am- magaalarm ulit
4:15am-4:30- alam nyo na :))
4:30am- bubungangaan na ko ng mama ko
—————————————-
pagkadating namin sa school. kami lang ng pinsan ko sa may table, at isa isa ng dadating mga kaklase namin, at mapupuno ng ang table. nakasakop kami ng dalawang table(pero ung kalahati lang, dalawang kalahati) kakahapit ng homework namin sa filipino. ay grabe. natutulala ako wala pa kong nasusulat . haha.
biglang nagkagulo sa study area. grabe, first time ko nakita ung ganun. nagtayuan ung mga studyante malapit sa entrance, habang humihiyaw. nung una akala ko may natapilok. tapos pinagtawanan lang. di pala, kasi, inannounce na suspended ang klase. haha yahuuu!
ung mga kaklase ko, nagplano na agad kung saan, hahaha. etc.. *some text missing*
ang hirap maghanap ng jeep papuntang angono. ang ginawa namin, sumakay kami ng cogeo para bababa kami sa sta.lucia
kasama ko sila. basta sila. wala akong payong, ako ang uuwi kasi sila manunuod pa ng Harry Potter, eh pinapauwi na ko, kya uuna na ko. sobrang lakas ng ulan, di ako pwdng magtatakbo papuntang terminal para sumakay, kasi mababasa tlga ko. sabi ko sa kaklase kong babae:
“tukx, hatid mo ko”
“*type name here*, ihatid mo nga si charmaigne sa sakayan”
wow. haha. abnormal tlga to. xa pa inutusang maghatid skn x)
haha. pinayungan nya ko. at ilang hakbang palang ang nalalakad namin
bigla akong natapilok! waa. tinawanan ako ng mga kasama ko. pero, ehem. nasalo ako x) hahaha. sinalo ako ni *type name here* habang nagtatawanan kami. at habang naglalakad papuntang sakayan, inalalayan nya ko hahaha! ang sweeeeet! napakagentleman woohooo. ♥_♥
nakasakay na ko’t lahat, nakangiti padin ako. haha. sobrang saya ng moment ko nun, filing ko, may mga bulaklak na nakapalibot smin, at may slow-mo effect pa. ahaha
pag kauwi ko ng bahay, nangingiti padin ako. at napansin ung ng mama ko. at napangiti na naman ako. bigla namang nagreact si mama
“aba kmhe, inlove k nman ata maxado. magaral ka muna….blahblahblah…”
etc.
“ang OA naman neto, ngumiti lang kung anu na sinabi mo. hahaha”
hahaha. ang saya tlga ![]()
masaya ba tlga?
I should start doing the old stuff when he’s not yet on my life.
Hmm. Like 6 months ago? (Tange, kau pa nun)
One year ago? (Ganun pa din, kau padin)
.
.
Umagang umaga. Computer na agad ako. Wala kong mapaglibangan eh. Mababaliw ako kakatingin sa paa ko.
“Oi ate late na umakyat kana. May trojan war pa kami”
“Bakit ganyan mata mo kmhe? Whahaha! Kim tingnan mo nga”
(tingin naman ang kapatid ko ==’)
“Ay bat ganun? Parang may tiklop”
“Ako panga tigilan nyo.”
(Wala lang. Tinawanan lang nila ko)
.
.
Magkausap kami ng mama ko tungkol sa damit. Nang biglang…
“Bakit ganyan mata mo? Umiyak ka!? Break na kayo?”
(silence)
“Siguro nagbreak kayo nung nagtitiklup ka ng damit no? Hahahaha”
(Teardrops)
“Kmhe, alam mo. College kana. Madami kapang makikilala jan”
.
.
Hay… Napapaisip nalang ako. Wala akong imik sa lahat ng sinasabi nila. Ngiti lang kmhe. Panget mo eh.
KINAGABIHAN
“Kmhe, wag ka ngang iiyak”
“bakit, di nyo naman ako nakitang umiyak ah”
(yun ang unang sagot kong matino sakaniya)
at ang ate ko naman ang nangulit sakin.
“di nga kmhe, bakit ka umiyak?”
“tigilan mo ko”
“ah, seryoso ko!”
“tigilan mo nga kooo!”
“Break na kayo? Bakit? Ha?” (pan asar pa eh. Nakangiti habang nagtatanong)
“hee! ate parang tanga! Tigilan mo ko!”
.
.
Ganun pala. Natouch ako sa concern nila. Pero.. Kung sinabi ko sakanila. Di naman nila mababalik ang dati. ![]()
.
.
“i don’t want to go back to a guy who already dumped me. bec if he really wants me, he’ll do everything to keep “us” intact. walang dahilan para iwan ka. kung ayaw na, may dahilan. pag gusto, palaging merong paraan (sabi nga sa kanta).”
Sabi ng idol ko. Natauhan na ko jan. Enaf na. Ayoko na talaga
Pero mahirap. Lol.
Kasalanan ko na din siguro. Kasalanan namin. So i guess, We should move on :[
sa mga mahilig sa anime, malamang alam niyo na matagal na itong tinatanong sa anime world… malamang sila ang sasagot sa tanong ko:
TOTOO BA SI ENMA AI? TOTOO BA YUNG WEBSITE NIYA? O TALAGANG CREATIVE LANG ANG NAKAISIP NG ISTORYA NUN PATI YUNG WEBSITE NIYA?
sa mga hindi pamilyar sa sinasabi ko, mayroon kasing isang anime na ang title: JIGOKU SHOUJO (HELL GIRL).
yung HELL GIRL, siya yung maghihiganti for you through a website. once na makapunta ka sa site na yun, hihingiin niya yung name ng taong gusto mo ipadala sa hell. then, after mo ma-send yung name nung tao, maga-appear si HELL GIRL sa iyo at bibigyan ka ng straw doll. mayroon siyang red string na nakatali doon. sa oras na hilain mo yun, ibig sabihin gusto mo ituloy ang paghihiganti mo.
pero may isang kondisyon yun. sa oras na pumayag ka na ipadala sa hell yung tao na yun, ibig sabihin pumapayag ka rin na sa oras na mamatay ka, AUTOMATIC sa hell na rin ang tuloy mo.
sabi nga ng HELL GIRL: WHEN ONE SOUL IS CURSED TWO GRAVES ARE DUG.
nag-google ako ng website na katulad na katulad ng nakikita ko sa palabas na iyon. sabi nila, kailangan para maging effective, exactly 12:00 AM ka dapat magpunta sa website na yun.
gusto ko subukan kahit late na pero natatakot ako. pero kahit takot ako, go pa rin. hindi ko lang din talaga alam yung pangalan nung snatcher na yun. in-enter ko na. nilagay ko: kUNG SINO MAN YUNG SNATCHER NG WALLET KO. pero ayun, sabi I will deliver your vengeance. tapos nakarinig ako ng mga kaluskos na ewan ko at hindi na ako makatulog. parang nababaliw ako kasi naman nakakatakot e. hinanap ko sa drawer ko kung may straw doll. sa kabutihang palad wala naman. pero kung meron, itatago ko na lang yun.
pero naisip ko rin, paano nga kaya kung totoo? na yung taong nagpapahirap sa iyo ng todo at gusto mo gumanti mapupunta nga sa impyerno pero ang kapalit dun ka rin didiretso pag namatay ka?
FREAKY.
***ang sama ko. naisip ko lang bigla.
—————————————————————
“akala ko yun yung site ng peteranswers.com
malakas ang loob kong ipost yung site kasi filing ko d naman totoo.
but my friend tried it, tlgang sinabi nya yung mga sagot. buong klase ang nakakita, isama mo na yung guro nila that time.
magtatanong ka ng qng ano ano pero may sasabihin kang petition. “Peter, please answer”
ayun, tas magtanong kana ng kahit na tagalog, tapos, mababanas ka lang sa mga walang kwenta nyang sagot.
ang sabi sakin ng nagtry,
“di ka sasagutin nyan, mabait ka eh”
ayun, sa kasamaang palad, ang dami daming beses ko ng sinubukang magtanong ng qng anu-ano , di ko padin nasagot yung tanong kong “where are you”
but one thing i noticed
habang nagfofocus ako (kasi ang sabi kaylangan ko ng FOCUS)parang lumiliit utak ko. basta may something akong nararamdaman sa ulo ko.
nung tinamad na ko kakatype , tinigil ko na. pero nahilo ako. disappointed din at the same time.”
———————————————————–
post ng isa ko pang idol sa pagboblog. wala, naisip ko lang syang ipost. for some comment, totoo ba yun?
(april 5 2009)
natuto na kong mag pusoy dos.
——————————————
ang ranking ng sign
(lowest to highest)
flower
spade
heart
diamond
habang naglalaro kami, ang daming tanong sakin kung pano ba maglaro. lagi pa kong natatalo. lagi akong nabibiru ng “TANGA” ng ate ko. moral nya eh, haha.
at sa kasagsagan ng laro. naisip ko, bakit ba ang diamond pa naisip nilang mas mataas?
pera na naman mas matimbang sa puso? totoo hindi? realidad o imahinasyon? eh bakit yon? dahil sa iyon ang nakasanayan?
———————————————————-
ang love pala sugal tlga.
pag hindi ka marunong maglaro nito, maaaring masabihan kang tanga ng mayat maya. at sa kasagsagan ng laro, kahit papano ay matututo ka din.
yun nga lang, di ka matututo ng sarili mo lang. at kung wala ka pang experience sa paglalaro.
————————————————————
pinakamataas ang dos.
diamond na dos, pwede mong ipantapat sa lahat ng card na itapat sayo.
maliban lang kung:
yung 2 cards o [par])
(royal flush)
TRIO
atbp (di naman kasi ako eksperto dito no)
—————————————
PERO
kahit nasayo pa ang dos na diamond. di ka parin mkakasiguradong panalo ka sa laro.
“depende yun kung pano mo lalaruin at aayusin ang cards mo”
-krystal(ateko)
konek sa lab?
hindi porket sigurado ka na sa partner mo, eh itatake for granted mo na xa (eto na naman) depende na yun sa kung paano mo hahayaang tumakbo ang relasyon nyo at sa kung papaanong paraan mo aayusin ang mga dapat ayusin.
“well, talo ka (evil laugh)”
“ah! natalo ko ni kmhe! walanjo!”
for the first time, natalo ko ang pinsan ko. nasakanya ang dos na diamond, dos na heart, dos na spade. ang nasakin, pinakamababang uri ng dos, ang flower. but still, i made it! yahoo mayaman na ko, eehehe juk.
(poker face fading)
NOTE: hindi eto ung saktong sinabi ng mga bida.
sa isang pehm
MAM D: kung sino man ang makapagbibigay sakin ng unique definition ng love, plus ten sa quiz. ^_^
IGNE: (masyadong nacarried away para sa +10)
(nagtataas kamay)
mam!
oh charmaigne
mam, love is not blind, it sees everything but it doesnt mind
CROWD: whooooooooooooo! laos na kaya yaaaaan!
(heh ewan di ko kau maintindihan x) hahahaha!)
hmm.. noooooo!
.
.
.
.
“aww, sayang! wala akong +10, ehehe. masyado kasing garapal.
jahe moment pa, namula ako x)
eh bakit? sa yun yung unique definition sakin eh, malay ko bang gasgas na pala yun. hahaha!”
yan ang mga naiisip ko habang ang guro ko ay tuluy tuluy sa pag tuturo.
di ako makamove on sa jahe moment ko. hahaha! akala q unique yun . txk txk txk! naalala ko narinig ko nga lang pala din yun sa qng san.
dati ang alm q. pag nagsusulat ako sa sarili qng slumnote, at sinasagot ang tanong na
what is love?:
love is blind ang sinasagot ko, dahil ayun ang pagkakaalam ko pero hindi pala tama, or should i say, it is not the right definition.
mas tama nga naman yung
love is not blind, it sees everything but it doesnt mind.
nung nalaman ko yun, ou nga, tama talaga.
kasi, bakit nga ba may mga babaeng kahit alam na nilang sinasaktan na sila ng irog nila, eh ok parin ang maririnig mong sasambitin nila pag pinapamulat mo na sila sa katotohanan?
kung hindi ok ang sasabihin, sasabihin pang mahal ko xa eh.
tungak wala.
hindi man lamang ba naiisip na bang sagwa!!! qng ikaw lang yung nagmamahal? what i mean is, obvious na obvious namang wala ng patutunguhan ung relasyon, bakit tuloy tuloy padin?
ano kasi mahal mo?
mahal na mahal mo?
sobrang mahal mo na gagawin mo lahat ng makakaya mo wag lang kayo magkalayo?
SIYET! as in SIYETEEEE !!!
tanga mo.
“it takes two to tango“
oyea, qng ikaw lang magisa ang sumasayaw, at ang partner mo, eh wala, nakatunganga, at ang masama pa, hindi sayo nakatingin habang nakatanga, ed stop the music. magtanggal ka ng heels mo, tumakbo palayo at iwanan mo na sya.
easy easy lang yun.
(madaling sabhin mahirap gawin)
mas ok na yung ganun, gawin mo ng gawin lahat ng makakaya mo para lang makalayo.
isipin mo nalang na ambahu bahu ng paa ng partner mo, siguru makakya mo na yun.
echos!
basta, ang pagiging tanga, walang patutunguhan. hindi ka mgging bayani kung magiging tanga ka.
kadalasan sa mga bayani, nagagawaran pag patay na.
at baka kung kelan patay kana, chaka pa malaman ng partner mo mga ginawa nya chaka sya magngangalngal.
(EH BAKIT BA DON NAPUNTA USAPAN HA?)
wala lang wala kong maisip na pangclose eh x)
basta bigla2 nalang matatapos to.
at chaka…..
oy! isa isa lang ! kumuha ka na ng isa tama na yan. sa karinderya walang ganyan.
walanju naman para namang pagka mahal mahal ng itlog para tipirin eh. mas ok ka pang kunin namin yung baka kesa sa itlog.
haahahha! oonga no, x)
(at di na natigil sa kakatawa ang mama ko)
may point naman ako diba? hehehe x) kung makatipid sa itlog akala mo mas mahal pa un kesa sa baka.
☺ tatlo kaming magkakapatid, dalawang helper, at xempre, ang mama ko.
kada nalang magluluto ng ulam. gaya ng beefsteak, fishsteak at iba pang ulam na nalalagyan ng toyo, ang gusto namin may itlog.
pero sa kada luto na yun, bilang na bilang sa daliri mo yung ilalagay na itlog ng ina ko. ang dami daming baka ng nilalagay, pero pag dating sa itlog, anim o kaya lima lang. at mas ok pang galawin namin ang baka kesa sa itlog.-_-
———————————————————————
(lunch break)
habang nanunuod ako ng cooking show (dadilicious)
ano ba yan! mas ok pa yung luto ng mamalicious ko.
he he!
(tiningnan ko niluluto)
kuha mo nga ako ng itlog
(kumuha ako ng itlog, palibasa dalawa lang ang kamay ko at takot akong magbasag at maglampaso, pito lang ang nakaya kong dalin)
ma, kukuha pa ko.
ok na to!
yan kana naman eh…
.
.
.
.
natapos ang pagkain namin, ang ina ko, nagshare ng pagkain sa family friend namin.
kring kring kring! kring kring kring!
IGNE: KIM!!! SAGUTIN MO NGA YUNG FONE! (naghuhugas ng pinggan)
MAMA: sige ako na.
bla bla bla bla bla bla bla!
hahahahaha! wahahaaa! ahahaaha! hewhew! (joke lang)
naisip ko habang nag uurong, anu naman at tawa ng tawa mama ko?
maya maya natapos na sila sa pagchichika , lumapit xa at knwento.
ang tumawag pala yung family friend namin
wahahaha! tinanong ko kung naubus ung ulam. ang sabi, “eh nagaway nga mga anak ko eh” sabi ko, “bakit?” gawa daw ng itlog, ahahahaha! bakit kayo ganyan.
eh iba na kabataan ngayun eh.
oh, eh ano gusto mo itlog nalang ang ilagay ko?
ambooot!
ah tama! kmhe maglaga ka ng itlog dali, yun yung uulam natin tpos lagyan ko nalang ng toyo . buwahahaha! (EVIL LAUGH)
at yun nga, habang nanonood ako ng pagluluto sa kay susan tayo, naaamoy ko ang niluluto ng aking ina, mukang mabango ah.
pagtingin ko ng ulam, wanyih!
eggsteak - nilagay ang sabaw ng beefsteak sa mga itlogs at nilagyan ng 6 na baka.
☺the end☻
kwentong experience ♠
“sandali lang, iwan muna kita, may gagawin lang ako..babalik ako..intay ka lang..^_^”
piling salita sa comment sa nasulat ko tungkol sa kwentong lab..
i guess my similarity sya sa eklavorvang kwento ko ngaun.
——————————————————-
(once upon a time)
quarrel…
.
.
.
na naman?!
eto na naman..
inaaway ko na naman ang iniirog ko..
♀ “wala kana kasing time para sakin. matuto kang ibalance ang oras mo”
♂ “ang dati ang hindi balance, lahat ng oras ko, nasayo.”
♀ “kumbaga sa isang bus, overloaded kana.”
♂ “overloaded na ko.. kya binaba muna kita dahil alam kong pag balik ko, andyan ka padin”
.
.
.
hindi man yung saktong napagtalunan namin, eh ganan din yung mga nasabi nmin.
sakit nung nasabi nya yan ..
alam kong nacarried away lang xa.
ok lang atlis me nasulat ulit ako x)
hmm.. auqng auq ng tinetake advatage ako (although nagagawa kong magtake advantage ng ibang tao)
at sa mga saltang nabitawan.. filing ko natake advantage ako..
yung tipong, ngng confident na if ever na umalis ka sa tabi ko for a long time, ng ako lang mag isa, eh makakaasa ka pading nandun parin ako..
ayun ung tingin ko sa salitang yan ..
tama o mali?
mababaw o malalim?
pero dati pa yang eksenang yan, nasingit lang dahil nga sa comment ^____^
BEWARE x.X
isang araw, sumakay ako sa jeep. kasama ko yung kaklase ko.
pauwi na kmi galing sa eskwelahan.
pagkasakay ng jeep, tingin agad ako sa bintana, xempre para may effect ung buhok ko.
ilang layo palang ang nalalakbay ng jeep.
may mamang nakisingit sa pwesto ko, grrr.
jahe kasi para sa mga nakakakilala tlga sakin.
pag ako sumakay ng jeep, gusto ko ako ang nasa pinakadulo
yung malapit sa entrance, baket?
pra pag bababa na ko, di na ko yuyuko.
eeh, sa kasamaang palad, may nakapwesto na sa trono ko, ed dun nalang ako sa pangalawa, knowing the fact na ang luwag luwag ng jeep , hindi ako nagsumiksik sa babaeng inagaw ang trono ko kasi hindi ko man lang naisip na may sisingit dun.
edi ayun na, singit xa, lintek, badtrip ako.
MANUNG: bayad ko oh eto oh
(inabot ko)
IGNE: problema nun, ang luwag luwag ng jeep eh, pwd naman sa kabila, hmp!
KASABAY NI IGNE: hehe hoo nga.
shhhhhhhhhhhhhhhhh… (windblows)
habang sinasalo ko lahat ng mga usok galing sa ibat ibang tambucho.
MANUNG: ma! (garalgal ang boses) ung bente sa tauman lang yan. sa tauman lang ho ung bente.
(tugsh! c ako biglang kinilibatutan, kinabahan, pinagpawisan..)
..
..
kinapa ko fone ko sa bulsa ko.
SHET!
nanginignig ako
filing ko konting hipo lang sakin mananapak na ko.
habang kinakapa ko yung bulsa ko,
si manong, biglang ngng magalaw.
tinanggal ko lahat ng laman, abbaaaaaa.
wala padin!
tugsh! tiningnan ko ng masama si manong singitero
chinek ang bag..
tinanggal ang mga laman..
LINTEK!
MANONG: (nanginginig) nakita ko kanina me nahulug na celfone jan
IGNE: ed sana sinabi nyo sakin!
MANONG: nakita ko nga nahulog jan kanina tingnan mo nalang. dito nahulog
(sinuot sa ilalim ang ulo)
MANONG: dito tingnan mo dito nahulog kasi kanina tingnan mo nalang jan
(pahelpful effect si kuya. gr)
IGNE: (napansing malalim ang bulsa) eh pano mahuhulog eh ang lalim ng bulsa ko?
MANONG: di ko alam tingnan mo nalang jan.
DRIVER: eto sukli oh pakiabot nalang
abot
abot
abot
pagkaabot ni MANUNG ng sukli nya, shet, parang sasabog na tlga ko sa banas!
x.x
IGNE: MANONG! (hinawakan ang damit ni manong) teka lang! pa pagpagpag ng damit!
MANONG: (tinanggal ang polo at pinagpag) oh! ayan, wala naman!
dumampot ng kung anung bagay mula sa ilalim ng upuan ng jeep.
AYUN! yung celfone ko!
MANONG: oh! ayan! napagbintangan pa ko!
(sabay baba)
IGNE: (namula, nakuncnxa)
[flashback]
si manong bigla nga palang sumuot ung ulo sa ilalim.
tsk tsk tsk! alaaam
(pagkasuot pala ng ulo ni manong, sabay lagay na ng fone ko sa ilalim)
mautak X.x
the end
__________________________________
lesson?
wag ng maglalagay ng mahahalagang bagay sa bulsa.
maglagay na kayo ng tissue, napkin, bolpen, eraser, sapatos etc.
pero as much as possible, wag kayong maglagay ng celfone, pera, beeper, fax machine etc.
(ha! ha! ha! -_- patawa)
pero, ewan. basta, be carefull nalang
kung maglalakbay kayo mula sa malayo,
siguru ang mapapayo ko
idistribute nyo yung pera nyo.
maglagay kayo sa bag nyo, sa katawan nyo, at kung pwd pati sa sapatos nyo.
TANDAAN:
“time is gold”
(muka mo igne)
haha yun lang, la ng sense sinasabi ko . ^___^
kwentong experience ♥
summer (2008)
summer job…
“pasok ako! yahuu!”
masaya ako at excited sa first day ko. tapos yung bf ko nmn, hehe , NATATAKOOOOOT.
dmeng tao kong nakameet dun. nakameet ako ng konsehal, mayor atbp .
mga kaparehas kong nagapply para makapg summer job. ansaya ![]()
may mga naging kaclose ako sa department na napasukan ko (palibasa puro kme babae)
pero…
may nagustohan din akong lalaki . (kahit alam kong commited ako)
eto na nga ba kinakatakot nya eh, ang makakita ako ng bago . ![]()
bakit ko nga ba sya nagustohan?
REWIND>
kada nlng mapupunta ko sa department nya, sa mga ngiti at mata, lintek na yan. nung una asar ako. nkakailang kasi, lagi nlng ngtitrip, bwisit . ed kiber nlang sa kilos nya. pero, habang tumatagal, abaaa, bigla2ng nalalaman ung ibang information tungkol sakin. (stalker?)
pero… di ako nakaiwas kay kupido . ![]()
nagkagusto at napunta sakanya yung atensyon ko. pag weekdays, (xempre may pasok) excited na excited ako. nandyan yung pag maguunli ako, sya lang katext ko, tas pag nagtetext yung bf ko, di ko man lang nirereplyan . ni hindi man lang nya nalalaman na unli pala ako. tas pag gabi, hindi pa nmn ako tutulog pero ang alm nya tulog na ko.
hay.. basta ang alm ko, “kerengkeng ako.”
tas one time, nabuking na ko. hindi naman naging kme nung kasummer job ko, pero, nung pinapili na ko, kung yung dati ko na o yung ngayon ko palang…
aw.
yung pinili ko yung ngayon ko palang..
ang tanga tanga ko..
oo . alam ko yun..
1 month din kme ngkahiwalay nung dati ko. sa 1 month na yun, sapat na para malaman kung hindi kmi ok nung ngayun ko. nung nagkasama kmi para magenroll ako, nakakaramdam ako ng ilang. matinding pagkailang sa actions nya. dahil di yun yung nakasanayan ko sa dati ko.
“LUMIPAS” ang mga araw…
hinahanap ko na katauhan ng dati ko sa ngayun ko. ang sama ko . pero naisip ko, miss ko na yung dati ko.
dahil nung nagbreak kmi, nagpaparamdam parin nmn sya, pero di ko sya pinapansin . pag tatawag sya, magkasama kme nung bago ko. tapos, ilang araw na natapos, hindi na sya nagpaparamdam. dun ko napansing miss ko na sya.
nagparamdam ako sknya, ayos, pinapansin nya ko
pero hindi na tulad ng dati. nalungkot ako pero go padin. ngng madalas paguusap namin nung dati ko. hindi ko na napapansin yung bago ko. tapos napansin ko nlng, wala na kong filings sa bago ko.
FIRST DAY OF SCHOOL (2008)
ayan naaaa! halong takot at takot at madaming takot ang nararamdaman ko.
nung una may mga nakakasama pa ko
pero dahil alam kong wala na yung mga dati kong kaibigan simula nung nagbreak kmi ni carl (will post something about friends) ngng loner ako. wala tlga kong kasama, (meron pala pero napabayaan ko din) filing ko ako lang taong kawawa sa mundo. pero go padin. pag nakikita ko si dati ko, naiilang ako. pero alm kong miss ko sya.
whew! nakipagbalikan ako. nilet go ko na yung “bago ko”
.
.
.
binigyan ako ng challenges
di lahat ginawa ko, kasi alm ko sa sarili kong: “mapride ako”
until one day::
naglalakad ako pauwi, nakita ko sya sa may malapit sa kalsada, madaming kasama. kinausap ako nung isa, tinanung kung pwd akong sumama saknila (nakalimutan ko na kung bakit) di ako sumama kasi kaylangan ako sa tindhan. pero nagsabay kaming lahat sa jip. ako nasa dulo, sila nasa kabilang dulo. si dati ko yung huling sumakay. akala ko tatabihan ako, pero hindi . T_T
aw.
filing ko konting taktak lng ng ulo ko tutulo na agad luha ko.
.
.
.
ayan naaa..
malapit na bahay nila, hindi ako bumaba ng jeep pero sila bumaba.
ang ineexpect nya pala, sasama ako. toink!
ayan na.. ilang araw na nmn lumipas (tama ba?)
basta..
july 2, 2008
sa isang idlap, tinanggap nya na ulit ako
:)
:)
grabe ang saya, di ko alam sasabihin ko nung sinabi nya yun .
dun ko naisip na, di ko na ulit yun gagawin .
“i learned from my mistakes”
SUMMER (2009)
summer na naman. ano na? magsusummer job ulit ako (sana nga) takot ulit xaaaa hehe .
di ko sya masisisi kung nawala na yung tiwala nya sakin.
pero ang alm q, xa nalang talaga ![]()
“distance is not a hindrance”
the end
sbi nga nila, pag daw ang taong una mo palang nkita tas ngiti na agad ang binigay sayo . magduda ka nadaw don .
pero wag nmn sa lahat cguru . piliin mo din ung mga pag iisipan mo ng mga gnung bagay . may mga taong sadyang “friendly” qng tawagin .
at may mga taong sadyang “plastik”
sorry for the term pero dame qng nakaencounter ng ganyan . minsan , di ko maintindihan bakit ba gnun nggng asal nya o nila . pero sa dalas ng pagkabunggo ng tadhana kong makausap o makita xa, napansin ko, naaaa..
kya sila gnun ay para lang siguro hindi ko masabing ang “boring” nyang kausap .
ngng mapag masid ako sa kanila, dahil di ko mapigilan sarili ko . hahaha .
pero wala akong magagawa, sigru di lang tlga nila mapigilan sarili nila .
hindi ako nagmamalinis. sa totoo lang plastik din ako pero depende un sa taong makakaencounter ko .
at para sakin .. ang taong nagsasabing hindi sya plastik ay yung taong hindi naniniwala sa “walang perpektong tao sa mundo”
PERO
please lng, sana nmn marunong kaung mglagay ng “exceptions” sa mga bunganga nyo . un cguro ang meron sa iba at sakin (pagbubuhat ng bangko)
hahaha. pero lahat ng mga sinusulat ko dito ay pawang nsa isip ko lamang .
yun lang ![]()
